2,041

By

Mananagot sa batas! Robin Padilla nilaglag ang ABS-CBN

Maraming mga netizen ang napaatras sa post ni Robin Padilla, na sinabing tila nilaglag ng aktor ang ABS-CBN, network kung saan huli siyang nagkaroon ng TV project.

Ayon kay Robin sa kanyang Instagram comment na deleted na, tila pabor ito sa hinaing quo warranto case ni Solicitor General Jose Calida na layuning i-void ang prangkisa ng Kapamilya network.

Ayon kay Robin, ang batas umano ay walang tinitingnan, at ang lahat ay dapat managot dito.

“Mayaman o Mahirap may kapangyarihan o wala sikat man o hindi ang lahat dapat ay pantay pantay sa harap ng Batas dahil ang hustisya ay walang tinitignan o tinititigan ANG MALI ay MALI at ang TAMA ay TAMA walang maybe o exempted ang lahat ay mananagot kapag lumabag sa batas,” saad sa post ni Robin.

“Panay na nga ang labag natin sa batas ng Dios napakapambihira naman kung pati batas ng tao lalabag pa rin tayo. Anong klase na tayong tao at lahi…”

Si Robin ay dating lumabas sa ilang show ng ABS-CBN, huli ay sa ‘Sana Dalawa Ang Puso Ko’ at ‘Pilipinas Got Talent’.

Nagpaliwanag naman si Robin sa kanyang Facebook account, sinabi na mas pinagkakatiwalaan niya ang batas dahil naramdaman niya ang pangil nito noong makulong taong 1994 dahil umano sa pangho-hostage at pagtataksil.

“Mga kababayan kahit na sino kahit kaibigan ko kapatid ko kapamilya ko at kamag anak ko kapag lumabag ka sa batas dapat kang magbayad sa batas dahil ako nagbayad ako ng tatlong taon sa loob ng Kulungan/Piitan/Bilibid dahil nagbayad ako sa kasalanan ko. Ano bang kinakatakot natin para sa ABSCBN?” giit ng aktor.

Nagpaliwanag din ito sa pagbura ng post, na dahil umano sa kanyang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla na forever Kapamilya at advice na rin ng aktor na si Philip Salvador.

“Inalis ko na rin ang mga post ko kahapon sa instagram at fb about the legal issue of Abscbn not the franchise issue bilang respeto ko sa asawa ko na si mariel she said to me im a kapamilya forever at sinabihan din ako ni kuya ipe salvador na magrelax at tumahimik dahil walang alam si mayor PRRD sa hakbang ng solgen kaya balik na lang ako sa aking journey towards spirituality,” saad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?