36
Managuelod, Orbeta panauhin sa 35th TOPS 'Usapang Sports'
By

Managuelod, Orbeta panauhin sa 35th TOPS ‘Usapang Sports’

Bibida para sa 35th ‘Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sina Muay Thai Association of the Philippines secretary-general Pearl Managuelod at darts champion Lovely Mae Orbeta Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Magbibigay si Managuelod ng update para sa paghahanda ng muaythai team sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games, gayundin rin ang ‘Women in Sports’ activities.

Umattend si Managuelod, na kumukuha ng kursong Sports Psychology sa University of Ottawa-Canada, sa Philippine Olympic Committee General Assembly na ginanap sa Diamond Hotel Martes.

Samantala, tatalakayin naman ni Orbeta, na may palayaw na ‘Bebang’ ang kanyang kampanya sa Southeast Asia Tour 2019 sa Sabah, Malaysia sa darating na weekend.

Kasalukuyang No.1 female darter ngayon si 14-year-old Orbeta sa Southeast Asia ng Dartslive (Malaysia/Singapore).

Winalis ni Orbeta, na suportado ng Amber’s Best Restaurant, ang kanyang unang two legs ng SEA Tour sa Malaysia noong Abril at Hulyo ngayong taon at target pa nitong makuha ang kanyang ikatlong straight title para sa ladies division ngayong buwan.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officers at members of TOPS na dumalo sa session na mapapanood rin sa Facebook live via Glitter Livestream.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?