47

By

Managuelod: Gold medal sa SEA Games, sure ‘yan!

Apat hanggang anim na gintong medalya mula sa siyam na events ang inaasahan ng Muaythai Association of the Philippines (MAP) sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“There’s no doubt we will do well (in the SEA Games). Walang duda diyan na kaya natin,” pahyag ni MAP secretary-general Pearl Managuelod sa pagbisita sa 35th ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

“Sigurado ako we will have medals in all nine events in the SEA Games, pero sa gold hindi ko masasabi,” sabi pa ni Managuelod, na kumuha ng Sports Psychology studies sa University of Ottawa, Canada.

Tiwala rin si Managuelod na lalo pang huhusay ang mga muaythai sa bansa dahil na rin sa pamumuno ni Ret. Gen. Lucas Managuelod na kanyang ama.

“We are very strong, very aggressive in our grassroots development program. May regional championships, may national championships kami. ‘Yun mga chapter namin around the country are also very active on their own,” kwento ni Managuelod sa weekly sports forum na katambal ang Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Commuity Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

“Marami kaming nire-recruit for our national team. In fact, we have 12 new athletes in our developmental team this year. Very strong ang muaythai team ngayon. Talagang hahasain namin sila. Very soon we will see the results,”detalye pa nito.

Subalit, hindi muna ibinahagi ni Managuelod ang mga magrerepresenta sa bansa para sa sport na muaythai dahil, “baka ma-scout tayo ng mga kalaban,” kwento pa nito s asp[orts forum na pinalabas nang live sa Facebook via Glitter Livestream.

Kasama ni Managuelod na bumisita sa forum sina four-time SEA Games boxing champion Josie Gabuco at two-time Southeast Asian Tour darts champion Lovely Mae Orbeta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?