112

By

‘Mambacita’ trademark ni Gigi inasikaso na ni Kobe

Mailagay ang “Mambacita” sa lahat ng tipo ng sportswear: ito ang plano ni Kobe Bryant para sa basketbolista niyang anak na si Gianna, halos isang buwan bago sila pumanaw sa helicopter crash nitong Linggo.

Disyembre 30, 2019 nang ilakad ng mga tauhan ng Kobe, Inc. ang trademark paperwork para sa 13-anyos niyang anak.

Ang “Mambacita” ay tawag ni Kobe kay GiGi, na mula sa sarili nitong monicker na “Black Mamba.”

Ayon sa United States Patent and Trademark Office records, ilalagay sana ito sa mga sumbrero, shirts, shorts, jersey, sweatpants, sweatpants, sweatshirts, at hoodies.

Sa ngayon, sabi sa People, aktibo ngunit pending pa rin ang request.

Papunta sana sa Mamba Sports Academy ang mag-ama, kasama ang pitong iba pa, nang mag-crash ang Sikorsky S-76B bandang alas-diyes ng umaga, Enero 26, sa isang bundok sa Calabasas, California.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?