54
Duterte bumuo ng inter-agency council para sa kaayusan sa karagatan
By

Malolos-Clark Railway Project pinamamadali na ni Duterte

Pinabibilisan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Transportation (DOTr) ang konstruksiyon ng Malolos-Clark Railway Project na magdudugtong sa Manila at Clark International Airport.

Ang 53-kilometer railway line ay popondohan sa pamamagitan ng pautang ng Asian Development Bank na nagkakahalaga ng 2.75 billion US dollars o P141 billion.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na nais nilang maramdaman kaagad ng taumbayan lalo na ng mga taga-Central Luzon ang ginhawa ng Build, Build, Build programs ng pamahalaan.

“I am directing the Department of Transportation to fast track the completion of the MCRP and observe the highest quality standards as we complete this railway project. By the time it is completed, I expect that our people, especially those from Central Luzon, will greatly feel the impact of our Build, Build, Build program,” anang Pangulo.

Ang MCRP ay ang bahagi ng North-South Commuter Railway na layong pagdugtungin ang New Clark City, Clark International Airport at Manila at Calamba sa 2025.

Nauna rito, sinaksihan ng Pangulo ang lagdaan ng loan agreement sa pagitan nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at ADB Vice President Ahmed Saeed para sa nabanggit na proyekto.

Naniniwala ang ADB sa malakas na policy actions ng gobyerno na naging daan para maging pinakamabilis na paglago ng ekonomiya ang Pilipinas sa rehiyong Asya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?