884
Mall janitress nag-sorry sa pangha-harass sa transgender woman
By

Mall janitress nag-sorry sa pangha-harass sa transgender woman

Gumawa ng apology letter ang mall janitress na nang-harass sa transgender woman na si Gretchen Custodio Diez.

Sa kanyang sulat, sinabi ni Chayra Ganal na tao lang siya at hindi niya sinasadya na ma-offend si Gretchen.

Handa umano siyang pag-aralan ang mga karapatan ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community.

“Humihingi po ako ng kapatawaran kay Gretchen. Nawa’y sa paghingi ko ng tawad ay pagbigyan niya ako. Tao lang po ako, hindi ko po sinasadya na ma-offend siya. Willing po akong pag-aralan ang mga karapatan ng LGBT, ‘yun lang po patawad,” sabi sa sulat ni Ganal na binahagi ng ANC.

Noong Martes (Agosto 13), nag-Facebook live si Gretchen kung saan binahagi niya ang ginawa umano sa kanyang pagbitbit at pagkaladkad ng mga staff ng Farmers Plaza matapos siyang harangin na mag-CR sa pambabae.

Pinosasan at dinala pa siya sa Camp Karingal sa Quezon City dahil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?