148
mar-roxas
By

Maling paggamit sa Yolanda fund, walang katotohanan! – Mar Roxas

Tinawag na “fake news” ni dating Interior Sec. Mar Roxas ang mga alegasyon na ginamit niya sa maling pamamaraan ang pondo na inilaan para sa relief at rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda.

Pagdidiin ng natalong presidential candidate ng Liberal Party noong 2016, wala siyang hinawakan na pondo ng Yolanda.

“Malinis ang pangalan ko. Maya’t maya ‘yan ang binabato sa akin. Fake news ‘yan. kasinungalingan ‘yan. Walang katotohanan ‘yan,” aniya.

Sinabi pa ni Roxas na matibay na basehan ang Commission on Audit (COA).

Paghahamon nito sa mga nagpaparatang sa kanya ay kalkalin ang mga COA report at aniya mapapatunayan na wala siyang nilustay na Yolanda fund noong siya pa ang namumuno sa Department of Interior and Local Government.

Pagdepensa pa ni Roxas sa kakulangan nila ng paghahanda, wala umanong anumang uri ng paghahanda ang makakapigil sa mga kalamidad na katulad ng Yolanda.

Noong kampanya para sa 2016 presidential election, isa sa mga ipinukol kay Roxas ay ang mga diumano’y anomalya sa paggamit ng pondo para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?