602

By

‘Maliit’ na ari ni Jim Paredes kinutya ni Duterte

Ginawang katatawanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang singer na si Jim Paredes, isa sa mga vocal critics ng Pangulo, dahil umano sa ‘maliit’ nitong ari.

“Tapos itong Jim Paredes, immoral daw ako. Ipinakita niya ‘yung ot**n niya sa… T*** i** ang liit pa, ganun. Sa totoo lang,” saad ni Duterte sa kaniyang talumpati sa naganap na campaign rally ng Partido Denokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Bacolod City.

Aminado umano ang Pangulo na bastos ang kaniyang pananalita ngunit hindi siya kailanman gumawa ng katulad ng ginawa ni Paredes.

“Yan ang mga taong nagbabatikos sa akin. Kita mo ‘yung kalidad nila,” aniya.

Matatandaang nag viral ang naturang video scandal ni Paredes kung saan ay makikita siyang nakalabas ang dila habang nag mamasturbate.

Noong una ay itinanggi ni Paredes na siya ang nasa video at umano’y fake ito ngunit kalaunan ay inamin na rin ni Paredes na siya nga ang lalaki sa video.

“The video was real. It was private, and not meant for public consumption,” paliwanag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?