306
Mali ang advise! MWSS pinagsabihan si Duterte sa utos na 150 araw suplay ng tubig
By

Mali ang advise! MWSS pinagsabihan si Duterte sa utos na 150 araw suplay ng tubig

Binaligtad ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) administrator Reynaldo Velasco ang naging mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na 150 araw para sa suplay ng tubig.

Saad ni Velasco, hindi masusukat kung hanggang ilang araw ang magiging suplay ng tubig matapos iutos ni Duterte na magpakawala ang Angat Dam para mapunan ang kakulangan sa Metro Manila Area.

“Hindi tama ang inadvise kay Presidente. There is no such thing as 150 days,” ani ni Velasco.

“Sinabihan ko na sina Secretary Andanar at Executive Secretary Medialdea, na mali ang advise kay Presidente,” aniya pa.

Nagbigay ng mungkahi si Velasco para maibsan ang krisis sa tubig, sinabi na makakatulong ang Cardona Water Treatment Plant para sa nasabing problema, maging ang pagbabahagi ng 50 million liters per day ng Maynilad sa Manila Water.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?