41
Paco Park
By

Malaysian na nakatakas sa Abu Sayyaf, nasawi sa ospital

Nakawala sa mga kamay ng bandidong Abu Sayyaf pero hindi pinalad na mabuhay sa ospital ang isang Malaysian kidnapped victim.

Ayon sa ulat, apat na buwan na nabihag si Jari Bin Abdullah pero isang linggo lang matapos makalaya ay pumanaw sa West Metro Medical Center sa Zamboanga City ang biktima.

Binawian umano ng buhay si Abdullah nitong Abril 9 dakong ala-1:17 ng hapon dahil sa tinamo nitong tama ng bala ng mga rebelde sa nangyaring rescue operation. (IS)

Abril 4 nang masagip ang Malaysian, makalipas ang isang araw ay na-rescue naman ang dalawa pang Indonesian sa Simisa Island sa Banguingui, Sulu.

Nangingisda umano ang tatlo sa Pegasus Reef sa Sabah, Malaysia nang dukutin sila ng Abu Sayyaf noong Disyembre 6, 2018.

Nasa tabi ni Abdullah ang kanyang pamilya, Malaysian Consul General at mga opisyal ng International Monitoring Team sa huling oras ng buhay nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?