35

By

Malaysia unang pambara sa Gilas Pilipinas

Masusubukan na ang tikas ng Gilas Pilipinas sa ilalim ni coach Tim Cone sa pagkrus ng landas kontra Malaysia sa Disyembre 4, Mall of Asia Arena sa 30th Southeast Asian Games.

Matapos naman nito ay Vietnam ang kakalabanin ng PH national team sa Disyembre 6, Biyernes bago tapusin ang eliminations kontra Myanmar sa Sabado, Disyembre 7.

Lahat ng tatlong laban nila ay mangyayari ganap alas-8:15 ng gabi.

Ang top two na koponan sa bawat grupo ay tutungton sa semifinals sa Disyembre 9, habang ang dalawang magwawagi rito ay salang naman sa Finals sa Martes, Disyembre 10.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?