224

By

Malate, Manila binulabog ng bala

Umalingasaw ang ilang putok ng baril sa Malate, Manila nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa awtoridad, nakatanggap sila ng tawag para ireklamo ang biglaang pagpapaputok ng grupo ng kalalakihan sa nasabing lugar.

Siyam na katao ang tinitingnan ng pulisya na posibleng sangkot sa shooting incident. Ito ay sina Wendell de Guzman, 24; Anjo Padilla, 27; Maryjay Dominguez, 29; S7-Buecan Morillo, 23; Jeffrey Mendoza, 32; Luilius Doliente, 30; Marc Senez, 21; at dalawa pang menor de edad.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang siyam na katao para mainbestigahan.

Wala namang nasaktan sa nasabing insidente, posibleng maharap sa kasing alarm and scandal ang nagpaputok ng baril

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,