36

By

Malalim na bench ng FEU, patatahimikin ni Tolentino

Balak nang dumiretso sa final round ng No. 1 Ateneo De Manila University (ADMU) Lady Eagles at pilit na isasalya sa unang sultada ang No. 4 Far Eastern University (FEU) Tamaraws sa kanilang semifinal encounter alas-4 Sabado sa MOA Arena sa UAAP season 81 women’s volleyball.

Bitbit ang twice-to-beat bonus, hindi na patatagalin ng Lady Eagles na sina Kat Tolentino, Maddie Madayag at Bea de Leon ang Tamaraws

Dalawang beses itinaob ng Ateneo ang FEU sa double round elimination kaya mataas ang kumpiyansa ng Lady Eagles ni head coach Oliver Almadro.

“Alam naman natin ang FEU intact ang lineup nila, and they have a deep bench, so we really have to prepare kung sinuman ang nandoon,” pahayag ng coach.

Noong nagdaang season, pinatalsik naman ng FEU ang Ateneo sa semifinal round kaya tiyak na personalan ang inaasahang bakbakan.

“Now, it’s about time to show their character. It’s about time to show our character. We have a chance now to show our real character,” dagdag ni Almadro.

“We will work hard, pray hard to show that character and to be back in the finals.”

Bukod pa sa tatlong veteran spikers, huhugot din ng puwersa ang Ateneo kina setter Deanna Wong at open spikers Jules Samonte at Ponggay Gaston.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?