37

By

‘Malalagay siya sa alanganin’ – Lacson sa pagsama ni Robredo sa anti-drug ops

Malalagay sa alanganin ang buhay ni Vice President Leni Robredo kung isusugod ito sa mga anti-drug operation, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Ito ang reaksyon ni Lacson sa suggestion ni PDEA chief Aaron Aquino na sumama sa mga operasyon ang Bise Presidente para malaman ang tunay na nangyayari rito.

“That could be arranged kasi interesado siya pero huwag naman ano, kasi ma-compromise ang operation kung kasama ang VP mismo from start to finish kasi sa security pa lang nakakalat na security niya mate-telegraph ang operation. But they could make some arrangements paano sasagawa ‘yan,” ani Lacson.

“Pero from briefing sa jumpoff tapos sa mismong operation di pwedeng pabayaan mo VP, ang 2nd pinakamataas na opisyal ng bansa, ilalagay mo ang buhay sa alanganin dahil susugod siya roon,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?