279
Malaking plaka sa mga motorsiklo, para sa seguridad ng Pinas – Albayalde
By

Malaking plaka sa mga motorsiklo, para sa seguridad ng Pinas – Albayalde

Hindi umano diskriminasyon sa mga rider ang batas na nag-aatas ng paggamit ng malaki, doble at color-coded na plaka sa mga motorsiklo.

Paliwanag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde, ang Republic Act 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act of 2017 ay bahagi ng security ng buong Pilipinas.

“I don’t think that is discrimination. This is part of security. [Para sa] security ito ng buong Pilipinas, not only to anybody,” anang hepe.

Aniya pa, nakita umano ng pamahalaan na pwedeng maiwasan ang mga krimen lalo na ang mga riding-in-tandem sa Motorcycle Crime Prevention Act of 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?