15

May 21, 2020 @ 12:11
By

Malaking birdie sapaw sa speech ni mayor!

Kung pusa ang bumida sa live ng Kapamilya reporter Doris Bigornia, ibon naman ang nagpakitang-gilas habang nagsasalita ang mayor sa Florida.

Nagbigay ng update si St. Petersburg, Florida mayor Rick Kriseman ukol sa ginagawa ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Imbes na sa loob ng gusali ay napili nitong gawin ang kanyang speech sa Sunken Gardens, isang historical botanical garden sa nasabing lungsod.

Habang abala si Kriseman sa paglalahad ng kahandaan nila sa pandemya, isang parrot ang makikita sa likod nito na chill lang at pasayaw-sayaw.

Sa loob ng siyam na minuto, tila may sariling mundo ang ibon at keber sa anumang sabihin ng mayor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?