89

By

Malakas na pagyanig sa Cotabato asahan na – Philvolcs

May posibilidad umano para sa isa pang malakas na tremor o pagyanig sa lalawigan ng Cotabato matapos ang magnitude 6.6 na lindol kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

“Kaya nga ang sabi natin constant reminder na kahit nagkaroon na ng pagkilos ‘yung isang fault pero kung may faults pa sa province o region, may malakas pa rin na posibleng mangyari in the future,” saad ni Phivolcs officer-in-charge Renato Solidum sa DZMM ngayong Miyerkoles, Oktubre 30, 2019.

Minungkahi rin ni Solidum na tiyaking ang itatayong mga bahay sa lugar ay maayos at kayang tumindig sa gitna ng malalakas na lindol.

Sa ngayon, anim ang naitalang patay at ilan ang sugatan sa lindol sa bayan ng Tulunan sa nasabing lalawigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?