57
Malacañang hindi uutusang mag-sorry si Tulfo
By

Malacañang hindi uutusang mag-sorry si Tulfo

Walang plano ang Malacañang na atasan si Special Envoy to China Ramon Tulfo na humingi ng dispensa sa mga Pilipinong manggagawa kasunod ng kontrobersiyal na pahayag nito na mabagal at maingay ang mga Filipino kaya hindi sila pinipili ng mga employer.

Iba’t ibang labor groups ang umalma sa naging pahayag ni Tulfo at iginiit na humingi ito ng sorry sa mga manggagawang Filipino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hahayaan nilang tumugon si Tulfo sa mga panawagan bagama’t nanindigan aniya ito na hindi hihingi ng dispensa.

“That’s a call of Special Envoy Ramon Tulfo; and he said he will not. Well, that is freedom of expression, everyone is entitled to make his opinion on any matter concerning the country or the people or anybody. Freedom of expression ‘yan eh,” ani Panelo.

Mistulang ipinagtanggol ng Malacañang si Tulfo matapos igiit ni Panelo na hindi personal opinion ni Tulfo ang inihayag nito kundi mensahe aniya ng mga employer na nakausap nito.

“According to him, iyon ang sabi sa kaniya ng mga developer. Kumbaga he is just restating it, kinukuwento niya lang iyong sabi sa kaniya. Get it? Hindi sa kaniyang opinyon eh. From what I gather from his statement, I asked the developers and the developer said this and that, oh eh ‘di… Actually, hindi niya nga… hindi personal opinion niya iyon eh, it’s the opinion of the developers who take these Chinese workers over them or they prefer them,” dagdag pa ni Panelo.

Naniniwala ang kalihim na hindi makakaapekto sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa ang naging pahayag ni Tulfo dahil maganda ang impresyon at reputasyon ng mga Filipino sa kanilang paraan ng pagtatrabaho.

“The general impression and reputation of Filipino workers abroad are very good — we are industrious, we are honest; ano tayo eh – maganda nga ang reputasyon,” wika pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?