601

Mar 25, 2020 @ 16:07
By

Makati Med nagkagulo sa pagpositibo ni Pimentel sa COVID-19

Nagkakagulo diumano ngayon sa Makati Medical Center (MMC) matapos ilihim ni Senador Koko Pimentel na positibo siya sa COVID-19.

Batay sa screenshot na ibinahagi sa Reddit ni u/Scbadiver, isang netizen ang nagkuwento sa ilang kaganapan sa MMC noong samahan ni Pimentel ang misis na manganganak.

May kaibigan umanong doktor sa MMC ang nagkukuwentong netizen.

Itinago raw ni Pimentel ang sakit at sinamahan pa ang asawa niya sa delivery room ng ospital dahil manganganak na ito.

Pagkatapos ay bigla raw pinakansela ang procedure at pina-refer sa infectious doctor.

Doon lang umano umamin si Pimentel na positibo siya sa virus pero nalibot pa nito ang buong delivery area.

Bunsod nito ay takot na umano ang mga OB/GYN na magtungo sa delivery area.

“Si Koko Pimentel positive tapos nagpunta pa sa delivery room sinamahan ang wife kasi manganganak. Nagkalat pa ng virus. Nagugulo ang DR ng MMC ngayon. Takot na mga OB na magpunta. From my doctor friend from Makati Med,” ayon sa naturang netizen.

Sa kasalukuyan ay nagmi-meeting pa umano ang management ng ospital kung ano ang hakbang na kanilang gagawin.

Nitong Miyerkoles, Marso 25 inamin ni Pimentel na positibo siya sa virus. Nasabihan umano ang senador tungkol sa resulta ng kanyang COVID test noong Martes ng gabi noong kasama niya ang misis na si Kathryna sa MMC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?