1,033

By

Mainis kayo lalo sa maganda kong mukha! – Dani Barretto sa mga basher

‘Pinakasalan dahil nabuntis’, ‘huwag sumali sa away ng mga magaganda’ – ‘yan ang mga pangba-bash na natanggap ni Dani Barretto dahil sa pagtatanggol nito sa kapatid niyang si Julia Barretto.

Kaya naman sa Twitter ay nagpatama si Dani sa mga nang-aasar sa kanya.

“Eh kasi naman Dani girl, bakit ka ba kasi sumasali sa away ng magaganda eh napaka panget mo at pinakasalan ka lang naman kasi na buntis ka. Next time kasi quiet ka nalang. Yan tuloy nababash ka,“ pag-uulit ni Dani sa mga namba-bash.

“Oh gulat kayo memorize ko na kayo noh? HAHAHA, Oh ito, mainis kayo lalo sa maganda kong mukha,” ayon pa sa kapatid ni Julia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?