1,409

Mar 2, 2018 @ 11:08

Maine sinuntok ng basher sa ‘Sugod Bahay’ ng ‘Eat Bulaga’

Isang video ang trending ngayon kung saan makikita ang pagsuntok ng isang basher kay Phenomenal Star at Kapuso actress-host Maine Mendoza sa ‘Sugod Bahay’ segment ng ‘Eat Bulaga’.

Sa video na in-upload ng maichardheartforever, makikita na isang istambay ang bigla na lang lumitaw sa gilid ni Maine at biglang sinuntok sa braso ang actress-host.

Kitang nagulat at nasaktan si Maine sa nangyari kaya’t agad siyang inalis sa lugar ng mga nagbabantay sa kanya.

Agad namang nag-react at naawa ang netizens sa nangyari kay Maine.

marshmallow_30 (@sandytorcuato): sam… nasaktan c maine bad un nanuntok sa kanya.

cruz.analiza: Idol sana ok ka lang..wala silang karapatang ganunin ka nalang nila ng basta basta!!! Bilang fans mo nasaktan dn ako kahit papano.

mikata_mezal: Grabe nmang basher yan! Wala kang karapatang manakit ng kapwa mo!! Nakakagalit ka nmang babae ka.. @eatbulaga1979 Paki-bigyan nman po ng aksy0n @mainedcm.

maeadizon12: Dapat sa studio na lang si maine para di siya masaktan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?