40

By

Maine nanggigil kay Carlo

Ni-reveal ni Maine Mendoza ang pagkakaroon niya ng crush sa ka-loveteam niya sa “Isa Pa With Feelings” na si Carlo Aquino.

Naging guest sina Maine at Carlo sa October 7 episode ng “Tonight With Boy Abunda” kung saan umamin si Maine.

Nagkakilala sina Maine at Carlo sa premiere night ng “Meet Me In Saint Gallen”.

Pumunta umano si Maine sa premiere dahil kaibigan niya ang direktor na si Irene Villamor.

Kuwento ni Carlo, inaya siya ni Direk Irene para makapag-picture sila ni Maine.

Ani Maine, malayo pa lang umano si Direk Irene ay sinasabihan na niya ito ng, “Direk si Carlo, picture” dahil gusto aniya niya talagang magkaroon ng litrato kasama ang aktor.

Tinanong ni Boy si Maine kung matagal na itong fan ni Carlo at dito na umamin ang actress-TV host.

“Hindi lang a fan kundi naging crush din talaga kita,” ani Maine patungkol kay Carlo.

“Tsaka hindi po siya tumatanda Tito Boy,” dagdag pa niya.

Flattered naman ang nararamdaman ni Carlo sa sinabi ni Maine.

Humirit pa si Boy Abunda na isa marahil sa appeal ni Carlo ang pagiging shy na sinang-ayunan ni Maine.

“Totoo. Naku nanggigigil ako. Kanina ko pa siya pinanggigigilan,” saad ni Maine sa walang kupas na kaguwapuhan ni Carlo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?