503
maine

Maine, nagpakita ng talento sa pagiging action star

Umandar na naman ang pagiging kuwela niya Maine Mendoza.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Menggay ng isang action-packed Tik Tok video nitong Biyernes.

Aakalain mong sakay ng kabayo ang phenomenal star at may humahabol sa kanya dahil palingon-lingon pa ito sa kanyang likuran.

(@mainedcm): “Andiyan na yung kalaban!” sabi ni Maine sa caption ng video.

Sa ending ng video clip, makikita na nakatayo lang pala siya sa isang upuan at may hawak-hawak na lubid habang ang ibang nasa paligid niya na may hawak na halaman ay paikot-ikot din sa kanya para magmukhang tumatakbo siya sakay ng kabayo.

Tuwang-tuwa naman ang followers niya sa ginawang ito ni Maine.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

(itsraynestarr20): Potek….hahaha tumatakbong halaman.

(instachelle7I): LooooVeeee iiiiT! Nakakaloka yung concept ng humor mo.

(v.maiks): Hahahahahahaha.

(zane.ph): Nakaka-GV! Hahahaha!!!

(rye_sakura23): Hahahagaga.. Buset.. Kala ko nmn totoo na.

(jdraeta): Ang kulit nung mga natakbong may hawak na dahon dahon! Hahaha! (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?