172

Jun 30, 2020 @ 17:45
By

Maine nadisgrasya sa ‘Eat Bulaga’

Nag-alala ang mga fan kay Maine Mendoza sa isang episode ng “Eat Bulaga”.

Nag-slide kasi ang actress-TV host sa hand rail sa “Eat Bulaga” studio kung saan muntik nang mabagok ang ulo niya.

Tinulungan ni Paolo Ballesteros si Maine matapos mahulog.

Agad ding naglapitan ang mga co-host niyang sina Pia Guanio at Jose Manalo matapos ang kalabog.

Sa kanyang Twitter post, ipinakita ni Maine ang malaking pasa sa ibaba ng tuhod na natamo niya.

“Oy masakit to noh!” ani Menggay.

Binahagi rin niya ang video ng pagkahulog niya.

Pinaalalahanan siya ng mga fan na maging mag-ingat sa susunod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?