84

By

Maine na-trauma sa pagpapa-tattoo

Ayaw na ni Kapuso actress Maine Mendoza na umulit na magpa-tattoo.

Sa “Isa Pa o Tama Na” challenge sa pag-guest nila ni Carlo Aquino sa “Tonight With Boy Abunda” noong October 7, naitanong kay Maine kung uulit pa itong magpa-tattoo sa legendary Filipino tattoo artist na si Apo Whang-Od.

Kaugnay ito ng pagpapa-tattoo ni Maine ng three dots sa kanyang lower leg noong mag-shoot sila ni Paolo Ballesteros sa Kalinga Lenten special ng “Eat Bulaga”.

“Magpapa-tattoo kay Apo Whang-Od, isa pa o tama na?” tanong ni host Boy Abunda kay Maine.

“Tama na. Iba po ‘yung sakit,” sabi na lang ni Maine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?