150
Maine at Arjo, super tawa sa alumni homecoming ng Benilde
By

Maine at Arjo, super tawa sa alumni homecoming ng Benilde

Napapadalas na ang paglabas-labas na magkasama nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Nitong Sabado nga ay namataan sila sa grand alumni homecoming ng De La Salle-College of St. Benilde na ginanap umano sa The Island sa The Palace, sa Bonifacio Global City, sa Taguig City.

Sa mga post ng The Benildean, makikita ang saya ng dalawa habang kasama ang ibang alumni at kasalukuyang mga estudyante ng Benilde.

Matatandaan noon lang March 20 nang makita sina Maine at Arjo na namamasyal sa Star City habang nakasuot ng mask.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?