97

By

Maiitim na babae tinawag na ‘bulldogs’: Clippers player Patterson sinermunan ni Travis

Nabastusan si Magnolia Hotshots import Romeo Travis sa sinagot ni Los Angeles Clippers player Patrick Patterson kung bakit mas pinipili ng mga NBA player na maging asawa ang mga white woman o white American kaysa sa mga black.

Sa hip-hopvibe report, ikinumpara ni Patterson ang mga black woman sa “Bulldogs”.

Nagdiwang si Patterson ng wedding anniversary nila ng kanyang misis at nang isang netizen ang makakita sa kanyang asawa ay kinuwestiyon ito.

Nagpatuloy pa sa pang-aasar ang netizen na kung hindi daw naging NBA player si Patterson ay hindi ito papatulan ng babae.

Pero ani Patterson: “Love is love at the end of the day.”

Humirit muli ang netizen at sinabing malamang nag-iisa lang daw ang misis ni Patterson sa pamilya nito na pumatol sa black guy.

Dito na nadulas si Patterson at nag-comment ng: “So I should settle for a bulldog and act like I’m happy with my life and preach, ‘keep it in your race’ to the world.”

Nag-react naman si Travis sa pamamagitan ng pag-retweet sa naturang article.

“You don’t have to put black women down because you chose a white woman.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?