277
Mahirap iboto ang kandidatong dinadaan sa kanta at sayaw ang botante – Robredo
By

Mahirap iboto ang kandidatong dinadaan sa kanta at sayaw ang botante – Robredo

Umaasa si Vice President Leni Robredo na matutuloy ang debate sa pagitan ng mga pambato ng Otso Diretso at Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Nauna na ring sinabi ng pinuno ng HNP na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na sinusuportahan din niya ang debate pero sa maayos na paraan dapat.

Ani Robredo, ang mga debate umano ang pagkakataon ng mga kandidato para makita ng mga botante at maintindihan kung saan sila tumatayo pagdating sa mga isyu.

Makikita rin umano sa mga debate ang pananaw ng mga kandidato sa halip ang mga nakagawiang pagpapakita ng “talento”.

“Kasi kung hindi debate, paminsan dinadaan sa kanta, dinadaan sa sayaw, na hindi mo… Parang napakahirap botohan iyong kandidato na hindi mo alam kung saan siya tumatayo pagdating sa mga mahahalagang issues na kailangang harapin,” saad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?