307
efren
By

‘Mahika’ ni Bata, patuloy na gumagana

Sa edad na 63-anyos, kumikinang pa rin ang mahika ni Efren ‘Bata’ Reyes nang sarguhin ang korona sa ‘The Break Room 8-Ball Classic’ sa Duluth, Minnesota nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas).

Halos hindi pinagpawisan ang ‘The Magician’ nang tapusin ang kompetisyon na walang dungis ng pagkatalo.

Sa semis, binira ni Reyes ang kapwa Pinoy na si Alex Pagulayan 15-11 bago talunin si US bet Dennis Hatch sa finals sa iskor na 15-13.

Dahil sa panalo, iuuwi ni Efren ang US$8,000 o kulang-kulang P420,000.

Dagdag din ang bagong kampeonato sa kanyang mahabang listahan ng pinaghariang torneo na aabot na sa humigit-kumulang na 90 titulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?