97

Jul 10, 2019 @ 22:33
By

Mahigit 4K piraso ng riles mula Japan, dumating na

Nasa Pilipinas na ang kabuuang 4,053 na piraso ng bagong riles ng Metro Rail Transit (MRT).

Sa kabila nito, Nobyembre pa umano sisimulan ang pagpapalit ng mga riles dahil wala pa sa bansa ang ibang parte nito na darating sa Oktubre.

Maingat itong inalis sa isang barko sa Harbour Centre Port Terminal sa Maynila, na dumating Martes ng gabi lulan ng M/V Eastern Opal.

Gawa umano ito sa matibay na Japanese steal na may habang 18 metro bawat isa at ipapalit sa 17 kilometrong linya ng MRT-3.

Sa dalawang dekada ng MRT-3, ngayon lang umano magkakaroon ng total rail replacement sa linya nito.

Napabayaan umano ito at naging matagtag at bako-bako, ayon kay DOTr Usec. for Railways TJ Batan, pero kapag napalitan na ay asahan na umanong magiging makinis at smooth ang takbo ng mga tren.

Hindi naman umano maaapektuhan ang biyahe ng MRT sakaling magpalit na ng riles dahil simula alas-11:00 ng gabi hanggang madaling-araw ito gagawin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?