37

Jan 24, 2020 @ 21:15
By

Mahigit 2,000 vape store naipasara ng NCRPO

Umaabot sa 2,188 vape store ang naipasara na ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Debold Sinas mula nang ipa-ban ito noong Nobyembre 2019 sa Metro Manila.

“The operations still continue. We continue monitoring these vape stores,” ani Sinas sa press conference nitong Biyernes sa Quezon City.

Gayunman aniya, marami naman sa mga nagbebenta nito ang sumunod sa kanilang kautusan.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad na arestuhin ang sinumang mamamataan na nagpapausok ng e-cigarette sa mga pampublikong lugar, matapos na kumpirmahin ng Department of Health na isang 16-anyos na dalagita mula sa Central Visayas na gumagamit nito sa loob ng anim na buwan ang nagkasakit ng Vape-Associated Lung Injury.

Kasabay nito, sinabi rin ni Sinas na kanilang ibabalik ang ‘surveillance group’ na tinaguriang “red team” na magmamatiyag at magmo-monitor sa mga police officer na gumagawa pa rin ng mga iligal na aktibidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?