215

Feb 29, 2020 @ 12:23
By

Mahabang tuwalya hinila sa bunganga ng ahas

Nasorpresa ang ilang mga beterinaryo sa isang phyton nang tingnan kung anong laman ng tiyan nito.

Nagpatulong ang isang pamilya sa Small Animal Specialist Hospital sa Sydney, Australia dahil tila may sakit ang kanilang alagang phyton.

Si Dr Olivia Clark ng Avian and Exotic Department ang tumingin sa ahas, at nang isailalim ito sa eksaminasyon ay nakitang may tuwalya itong nasubo.

May habang isang metro umano ang tuwalya, na unang kaso sa kanilang ospital.

Saad ng pamilya, unang beses ito ginawa ng kanilang ahas na si Monty, at hindi alam kung bakit napagdiskitahan ang tuwalya ng kanilang anak.

Tuluyan namang gumaling ang ahas matapos mahila ang tuwalya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?