45

By

Magtuturo sa mga game-fixer, may reward kay Pacquiao

Nakahandang magbigay ng pabuya si Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) founder Sen. Manny Pacquiao sa sinumang makapagtuturo sa kanya na opisyal na sangkot sa panunuhol o game fixing sa kanyang liga.

“‘Pag may mag-try na magsuhol, isumbong kaagad nila. Magbibigay kaagad naman ako ng pabuya,” pahayag ni Pacquiao sa panayam ng “Gametime” nitong Huwebes ng gabi.

Tiniyak din ng fighting senator na kapag napatunayan nito o nadiskubreng may nagtatangkang manuhol sa loob ng kanyang palaro ay hindi ito mangingiming bigyan ng reward ang makakapagbigay ng impormasyon.

Nag-ugat ang mensaheng ito ng MPBL founder hinggil na rin sa lumabas na mga ulat na nagkaroon umano ng ‘mismanagement’ sa mga player ng Bicol Volcanoes particular na sa Bataan Risers kaya hindi ito nabibigyan ng sapat na pasahod.

Bunga nito’y hindi na naitago ng ilang manlalaro ang galit at labis na hinanakit sa kanilang team owner at sa social media na nagpahayag ng kanilang himutok.

Kasabay nito’y tiniyak naman ng MPBL Commissioner Kenneth Duremdes na naayos na ang problema hinggil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?