119
Magsayo, Lim, Cacho sa 'Usapang Sports'
By

Magsayo, Lim, Cacho sa ‘Usapang Sports’

Sentro ng diskusyon sa 34th edition ng ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ang mga sports na boxing at karate na gaganapin sa National Press Club sa Intramuros.

Tatalakayin ni ni boxing idol Mark ‘Magnifico’ Magsayo ang kanyang nalalapit na laban kay Thai veteran Panya Uthok para sa WBC Asia featherweight championship sa darating na Agosto 31 sa Bohol Wisdom School gym sa Tagbilaran City.

Makakasama ni Magsayo sa 10am public service program na iniisponsoran ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ang kanyang manager-wife na si France.

Tangan ang kanyang perfect 19-0 record, ito ang ikalawang laban ni 24-year-old Bohol native Magsayo sa loob ng limang buwan matapos mapabagsak si Erick Deztroyer sa Singapore noong Abril.

Samantala, tatalakayin naman ni Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. president Richard Lim ang tagumpay ng mga Pinoy sa 39th Karatedo Gojukai Int’l Championship 2019 sa Singapore ganun rin ang 7th Karatedo Goju-kai Asia Pacific Championship sa Lapu-Lapu City, na gaganapin naman sa Setyembre 27 hanggang Oktubre 1.

Hindi rin papahuli sa forum si Games and Amusements Board (GAB) Boxing at Contact Sports officer-in-charge Jackie Lou Cacho na magbibigay ng update sa GAB consultative meeting/dialogue kasama ang mga boxing stakeholder sa GAB office sa Makati noong Hulyo 31.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang officers at lahat ng mga miyembro ng TOPS na dumalo sa session na mapapanood rin sa Facebook live via Glitter Livestream.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?