828

By

Magsasaka patay sa 8 tuklaw ng ahas

Dahil sa walong tuklaw ng ahas, patay ang isang magsasaka habang nagdadamo ito sa bukid sa Barangay 10, Arua-ay, Piddig, Ilocos Norte noong Linggo.

Kinilala ng Piddig Police Station (PPS) ang biktima na si Andres dela Cruz, 74, may asawa, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, ayon sa PPS, sinabi ni Barangay 10 chairman Rolex Mariano, maaga umano lumabas ang biktima upang magsaka at kukuha ng damo para sa kanyang mga alagang hayop.

Ayon sa lokal na pulis, sa kanyang pagdadamo, doon siya tinuklaw ng hindi pa mabatid na ahas ng walong beses sa kanyang binti.

Dahil sa hapon na ay hindi pa umuuwi ang magsasaka, pinuntahan siya ng kanyang asawa sa kanyang pinagdamuhan at doon nakita ang wala nang buhay na biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?