48

By

Magsasaka nilapa ng tigre, patay

Nakipagbuno bago napatay ang isang magsasaka sa tigre na umatake sa kanya sa coffee plantation noong Linggo.

Ayon sa mga foreign media report, nangyari ang pag-atake ng endangered Sumatran Tiger sa 57-anyos na magsasaka sa coffee plantation sa Sumatra island sa Jakarta, Indonesia.

Inatake umano ang magsasaka habang nagpuputol ng puno sa kanyang plantasyon.

Nangyari ang insidente, isang araw lang ang nakalipas matapos atakehin ng naturang tigre ang isang grupo ng mga Indonesian tourist na nagka-camping sa local tea plantation sa Mount Dempo region.

Isang turista ang nagtamo ng matinding sugat sa likod matapos siyang atakehin sa loob ng kanyang tent.

Nananatili namang nakalalaya sa protected-forest area ang naturang hayop, na pinaniniwalaang isa sa 15 endangered tigers sa South Sumatra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?