38

By

Magpokus sa supply, huwag sa demand – Lacson kay VP Leni

Nagkaroon ng meeting sina Senador Panfilo Lacson at Vice President Leni Robredo kung saan binigyan ng tips ng mambabatas ang ngayo’y drug czar na Bise Presidente.

Ani Lacson, dapat magtuon si Robredo sa source sa paglaban kontra droga.

“‘Yung supply constriction, doon i-shift ang strategy ng paglaban sa droga. Nakita rin natin and it makes a lot of sense. Di ba nakita natin sa BOC ang mga pumapasok at nakakalusot na tone-toneladang droga?” ani Lacson.

Paliwanag niya, kapag sa demand kasi nagpokus ay mga adik ang madadale dahil hindi na iniisip ng mga ito kung anong puwedeng mangyari sa kanila dahil sa pagkalulong sa droga pero kapag supply ang pinagtuunan, una ay tataas ang presyo ng droga at mahihirapang makabili nito at pangalawa ay pihadong mga drug dealer ang malalambat.

“Pag sa demand side ka nag-concentrate, addict ‘yan eh. So siyempre maski hindi na niyan naiisip kung anong puwede mangyari sa kanya, puwede mapatay siya, puwede makulong siya, kasi nga addict, malakas ang urge. Pero pag supply ang focus mo, unang-una magiging prohibitive ang presyo. Pangalawa, big-time drug dealers ma-hit mo,” giit ng dating Philippine National Police chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?