202
Magnolia guard posibleng sunod na PBA Iron Man
By

Magnolia guard posibleng sunod na PBA Iron Man

Kakagawad lang kay Ginebra guard LA Tenorio ang PBA Iron Man record bilang pinakamahabang game streak sa liga.

Noong Linggo sa Manila Clasico game ng Ginebra at Magnolia, pormal nang itinanghal bilang PBA Iron Man ang 34-anyos na manlalaro para ungusan ang record ni ‘The Captain’ Alvin Patrimonio.

“Thankful ka kay LA dun sa ginawa niyang record para gayahin at ma-inspire yung younger generation of athletes natin na alagaan yung katawan para maka-perform ng maganda,” ayon kay Patrimonio.

Hindi pa nababakante si Tenorio sa laro simula noong pumasok sa liga taong 2006, may 597 laban na sa ilalim ng kanyang pangalan.

Sa nasabing parangal, isang manlalaro ang nasa ilalim ni Tenorio, ito ay walang iba kundi ang Magnolia guard na si Mark Barroca.

394 laro na sunod-sunod na ang nakakabit ni Barroca at ‘di malayong sumunod sa yapak ng mga tinaguriang PBA Iron Man.

“Ang ganda ng trend e,” ani Patrimonio. “Ginebra, Purefoods, tapos Ginebra. Sino kaya yung next. Dapat sa Purefoods.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?