29

Mar 11, 2020 @ 18:55
By

Magno, Paalam susundan si Marcial sa Tokyo Games

Pilit na sasamahan nina Irish Magno at Carlo Paalam ang kakampi na si Eumir Felix Marcial sa 2020 Tokyo Olympics sa pagsabak nito Miyerkoles ng gabi sa ginaganap na Asia-Oceania Olympic Boxing Qualification Tournament sa Prince Hamzah Hall sa Amman, Jordan.

Nagawa pa tumuntong ng 24-anyos mula Lunzuran, Zamboanga City na si Marcial sa middleweight finals ng torneo upang masiguro nito ang medalyang pilak at posibleng gintong medalya sa Olympic Boxing Qualification na nakataya ang kabuuang 63 silya na 41 sa lalaki at 22 sa bansa para sa gaganaping Summer Tokyo 2020 Olympic Games.

Itinala ni Marcial ang 4-1 panalo kontra Ashis Kumar ng India sa kanilang semifinal bout sa Prince Hamzah Sports Hall upang makatuntong sa labanan para sa gintong medalya sa 69-75 kg category.

Makakasagupa ng galing lamang sa pagwawagi ng pilak sa World Championships at ginto sa Southeast Asian Games bago nasungkit ang pinakamimithing silya sa Tokyo Olympics sa pagtuntong sa semis ng isang linggong torneo na si Marcial ang matinding karibal na si Abilkham Amankul ng Kazakhstan sa finals.

Naungusan ni Amankul sa mahigpit na 3-2 decision si Tanglatihan Tuohetaerbieke ng China sa semifinals.

Puwersado naman sina Paalam at Magno na ipanalo ang kanilang laban upang masamahan si Marcial sa pagsabak nito sa Tokyo Games sa pagsagupa sa pares ng flyweight box-off.

Makakasagupa ni Paalam si Saken Bibossinov ng Kazakhstan habang makakatapat ni Magno si Sumaiya Qosimova ng Tajikistan.

Huling pagkakataon ng mga boksingero na makatuntong sa Olympics sa pinakahuling Olympic Boxing Qualifying na gaganaping World Championships sa Grand Dôme, Villebon-sur-Yvette sa Paris, France sa Mayo 13-20.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?