27

By

Magnitude 5 na lindol yumanig sa Surigao del Sur

Naramdaman ang isang magnitude 5 na lindol sa probinsya ng Surigao del Sur, Linggo ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, bandang alas-6:53 ng gabi nangyari ang pag-uga ng lupa, 11 kilometer northeast ng bayan ng Cortes.

Tinatayang tectonic ang origin ng lindol at may depth of focus na 20 kilometro.

Wala namang napinsala sa nasabing lindol, ngunit nagbabala ang Phivolcs sa aftershock.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?