52

By

Magnitude 5.5 aftershock tumama sa Sultan Kudarat

Isang magnitude 5.5 na aftershock ang nagpauga sa Sultan Kudarat nitong Miyerkoles ng gabi matapos ang malakas na lindol na tumama sa North Cotabato, ayon sa Phivolcs.

Nai-record ang aftershock ng 8:09 p.m., na epicenter ay sa 16 kilometro southeast ng bayan ng Columbio.

May lalim itong limang kilometro at tectonic ang origin.

Nangyari ang aftershock, 30-minuto makalipas ang magnitude 6.3 quake sa North Cotabato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?