55

By

Magnitude 5.2 aftershock tumama sa North Cotabato

Isang magnitude 5.2 aftershock ang naitala sa North Cotabato nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, nai-record ang aftershock alas-2:18 ng hapon na ang epicenter ay sa southeast ng bayan ng Tulunan.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 12 kilometro.

Naramdaman ang Intensity II sa Koronadal City at Tupi sa South Cotabato.

Bahagi ang aftershock sa magnitude 6.3 na lindol na yumanig sa ilang bahagi ng Mindanao noong Miyerkoles ng gabi

Nauna nang nakapagtala ng magnitude 5.5 na aftershock sa Sultan Kudarat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?