428

May 23, 2020 @ 10:48

Magnitude 5.1 lindol naramdaman sa Metro Manila

Nabahala ang ilang netizen matapos na maramdaman ang pag-uga ng lupa sa Metro Manila.

Ayon sa Phivolcs, bandang alas-10:24 ng umaga ay tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa Aurora Province.

Naitala ang Intensity VI sa Baler, Aurora; Intensity IV naman sa Palayan City, Dingalan, Aurora; at Intensity II naman sa Quezon City.

Inaasahan ang aftershock at pinsalang dulot ng nasabing lindol.


Sa tweet naman ng Manila Public Information Office, naramdaman umano ang lindol sa city hall ng kanilang lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?