59

By

Magnitude 5.0 na lindol tumama sa Cotabato

Isang araw matapos ang malakas na pag-uga sa Cotabato, muling niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Cotabato nitong Biyernes ng hapon.

Sa bulletin ng Phivolcs, makikitang tumama ang lindol bandang alas-2:07 ng hapon, 18 kilometro silangan ng Makilala, Cotabato.

Intensity V ang naramdaman sa Magsaysay, Davao del Sur, habang Intensity IV naman sa Pitik, Cotabato at Bansalan, Davao del Sur.

Inaasahan din ang mga aftershock sa lindol na tectonic ang origin.

Bandang alas-4:18 ng hapon naman ay tumama sa Davao del Sur ang magnitude 4.0 na lindol, na wala namang inaasahang aftershock.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?