20

By

Magnitude 4.1 na lindol, yumanig sa Davao Oriental

Isang magnitude 4.1 na lindol ang tumama sa Davao Oriental nitong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Batay sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 149 kilometro ng Governor Generoso, Davao Oriental dakong alas-6:38 ng umaga.

May lalim ang lindol na 28 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang sira at aftershocks matapos ang pagyanig. IS

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?