29

By

Magnitude 3.0 lindol naramdaman sa Surigao del Norte

Muli na namang niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte, kahapon ng madaling-araw

Ayon sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nasa layong 51 kilometro Hilagang-Silangan ng General Luna (GL) ang episentro ng lindol na nagpayanig bandang 1:25 Miyerkules ng madaling araw.

May lalim na walong kilometro at nasa tectonic ang pinagmulan. Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

Matatandaang niyanig ng lindol ang bahagi ng GL ng magnitude 5.5 na naganap noong April 26 na ikinagulat ng maraming turista sa Siargao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?