228

By

Maglaan ng evacuation center para sa mga hayop – VP Leni

Pinayuhan ni Vice President Leni Robredo ang mga local government unit (LGU) na ikonsidera na magkaroon ng evacuation center para sa mga hayop na apektado rin ng pagputok ng Taal Volcano.

Nitong Enero 14 bumisita ang Bise Presidente sa Batangas para magbigay tulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan kabilang na ang pamamahagi ng dust mask at pagkain sa mga evacuee.

Ani Robredo, may mga evacuee na matigas ang ulo at magbabalik ng kanilang bahay kahit ipinagbabawal pa dahil sa kanilang mga alagang hayop na na-trap kaya suhestiyon niya kay Batangas Vice Gov. Mark Leviste na ikonsidera ang paglalaan ng evacuation center para sa mga hayop.

“They will go back home to feed their pets. So to avoid something bad happening to them, we should have a plan. The vice governor said they would consider it,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?