40

Apr 11, 2020 @ 10:21
By

Magkasunod na lindol, tumama sa Batanes, Davao Occidental

Inuga ng magkasunod na lindol ang lugar ng Batanes at Davao Occidental nitong Sabado de Gloria.

Ayon sa Phivolcs, unang tumama ang magnitude 6.0 na lindol sa Batanes, alas-12:44 ng hatinggabi, 37 kilometer northeast ng Basco.

May lalim ang nasabing lindol ng abot sa 157 kilometer, at inasahang sundan ng mga aftershock.

Dalawang oras ang nakalipas, alas-2:45 ng madaling-araw ay naramdaman naman ang magnitude 5.5 na lindol sa karagatan malapit sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Naramdaman ang Intensity II sa Kiamba, Alabel at Malungon, Sarangani, habang Intensity I naman sa General Santos City;, Tupi, South Cotabato at Gingoog City, Misamis Occidental.

Wala namang naitalang pinsala ang magkasunod na lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?