941

Magkaibigan pa ba kayo ni Boy Abunda? Kris Aquino sumagot

Sharing is caring!

Matagal nang nagkahiwalay ng landas sina Kris Aquino at Boy Abunda na dating magkasama sa mga Kapamilya talk shows.

Sa Instagram post ni Kris Aquino na may sulat-kamay na mensahe para sa kanyang mga follower, naitanong ng isang netizen kung magkaibigan pa sila ni Boy.

“Still friends with Abunda, Miss Kris? Just curious,” ayon kay @nerinear.

Ayon naman kay Kris, bagama’t hindi na sila nagkikita ni Boy ay hindi mawawala ang pag-aalala nila sa isa’t isa.

“To satisfy your curiosity, I believe we’ll always care about each other but we are no longer active participants in each other’s lives,” tugon ni Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?