32

By

Magiting na aso patay matapos iligtas ang mga amo

Patay ang si Zippy, isang Jack Russel Terrier, matapos alertuhin ang kanyang mga amo mula sa nasusunog nilang tahanan.

Nagising si Leroy Butler ng alas-dos ng umaga sa tunog ng fire alarm sa kanilang bahay sa Bradenton, Florida.

Mabilis kumalat ang apoy at sinabi niya na tumulong si Zippy, ang kanilang alagang aso, sa pag-alerto sa kanila.

“The fire alarm was at the low beep and then Dad went to yelling and the dog was already barking,” sabi ni Butler sa Bay News 9.

Sa pagkaalala niya, nang umapoy ang sahig, hinanap niya na ang mga bata para dalhin palabas.

Nasunog ang kanilang kisame at mga kagamitan ngunit patuloy na tumatakbo si Zippy at tumatahol ng malakas upang alertuhin lahat ng nasa bahay.

“By the time we got from the hallway door to the kitchen right here, the whole ceiling dropped. It went black and flames come out the roof and all the windows start blowing out,” kwento ni Butler.

Matagumpay na napalabas ni Butler ang kanyang pamilya.

Sa kasamaang palad, hindi lumabas si Zippy.

Sinubukan ni Butler na balikan ang alaga, ngunit mabilis lumago ang apoy.

Inampon ang Jack Russel Terrier sa isang animal shelter sa Manatee County. Kwento ni Butler, “Zippy was just a little black and white dog we adopted 3-4 years ago and he’s just been the house pet. He was real helpful and we’re going to miss him.”

Ayon sa Bradenton Fire Department, nagsimula ang apoy sa attic na malapit sa air conditioning.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?